Exodus 32:10
Kaya pagkatapos, huwag mong subukang pigilan ko. Ang aking galit ay sisiklab laban sa kanila, kaya wawasakin ko sila. “Pagkatapos gagawa ako ng isang dakilang bansa mula sa iyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:32Sinabi niya, “Pakiusap, huwag kayong magalit, Panginoon, sasabihin ko ito sa huling pagkakataon. Marahil sampu ang makita roon.” At sinabi niya, “Hindi ko ito wawasakin alang-alang sa sampung natira.”
Exodus 22:24Magliliyab ang aking galit, at papatayin ko kayo sa pamamagitan ng espada; ang inyong mga asawa ay magiging balo, at ang inyong mga anak ay magiging ulila sa ama.
Exodus 32:19Nang dumating si Moises sa kampo, nakita niya ang guya at ang mga taong nagsasayawan. Siya ay lubhang nagalit. Itinapon niya ang mga tipak ng bato na nasa kaniyang mga kamay, at nabiyak ang mga ito sa ibaba ng bundok.
Numbers 14:19Patawad, nakikiusap ako sa iyo, itong kasalanan ng mga tao dahil sa kadakilaan ng iyong tipan ng katapatan, tulad ng palagi mong pagpapatawad sa mga taong ito mula sa panahong nasa Ehipto sila hanggang ngayon.”
Numbers 16:22Nagpatirapa sila Moises at Aaron at sinabi, “Diyos, ang Diyos ng mga espiritu ng buong sangkatauhan, kung nagkakasala ang isang tao, dapat kabang magalit sa buong sambayanan?”
Deuteronomy 9:14Hayaan mo akong mag-isa, para mawasak ko sila at burahin ang kanilang pangalan mula sa silong ng langit, at gagawin kitang isang bansang higit na malakas at higit na dakila kaysa sa kanila'.