Exodus 22:24
Magliliyab ang aking galit, at papatayin ko kayo sa pamamagitan ng espada; ang inyong mga asawa ay magiging balo, at ang inyong mga anak ay magiging ulila sa ama.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 25:35Kung naging mahirap ang kapwa kababayan ninyo, kung kaya hindi na niya kayang itaguyod ang kanyang sarili, sa gayon dapat ninyo siyang tulungan tulad ng tutulungan ang isang dayuhan o sino pa mang naninirahan bilang tagalabas na kasama ninyo.
Deuteronomy 23:20Sa isang dayuhan ay maaari kayong magpahiram ng may tubo; pero sa inyong kapwa Israelita ay hindi kayo dapat magpahiram ng mayroong tubo, para pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng paglagyan ng inyong kamay, sa lupain kung saan ay inyong aangkinin.
Nehemiah 5:7Pagkatapos ay pinag-isipan ko ito, at nagharap ng sakdal laban sa mga maharlika at opisyales. Sinabi ko sa kanila, “Naniningil kayo ng tubo, bawat isa sa kanyang sariling kapatid.” Nagdaos ako ng isang malaking pagpupulong laban sa kanila
Job 31:23Dahil ang sakuna mula sa Diyos ay magiging malaking takot sa akin; dahil sa kaniyang kamahalan, hindi ko kayang gawin ang mga bagay na ito.
Psalms 69:24Ibuhos mo ang iyong labis na galit sa kanila, hayaang mong abutan sila ng bagsik ng iyong galit.
Psalms 78:63Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata, at ang mga dalaga nila ay walang mga kantang pangkasal.