Exodo 32:15
Pagkatapos tumalikod si Moises at bumaba sa bundok, dala-dala ang dalawang tipak ng bato ng tipan ng kautusan sa kaniyang kamay. Ang mga tipak ng bato ay may nakasulat sa magkabilang gilid, sa harap at sa likuran.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 24:12Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Umakyat ka papunta sa akin sa bundok at manatili ka doon. Ibibigay ko sa iyo ang mga tipak ng bato at ang batas at mga utos na aking sinulat, para ituro mo sa kanila.”
Exodus 31:18Nang matapos makipag-usap ni Yahweh kay Moises sa bundok ng Sinai, binigyan niya siya ng dalawang tipak ng bato ng tipan ng mga kautusan, gawa sa bato, nakasulat sa pamamagitan ng kaniyang sariling kamay.
Exodus 40:20Kinuha niya ang mga tipan ng kautusan at inilagay ito sa loob ng kaban. Inilagay niya din ang mga baras sa kaban at inilagay ang takip ng luklukan ng awa doon.
Deuteronomy 9:15Kaya tumalikod ako at bumaba sa bundok, at ang bundok ay nasusunog. Nasa aking mga kamay ang dalawang tipak ng tipan.
Revelation 5:1Pagkatapos nakita ko sa kanang kamay ng isa na siyang nakaupo sa trono, isang balumbon na nakasulat sa harapang panig at sa likurang panig, at sinelyuhan ng pitong selyo.