Exodo 31:18
Nang matapos makipag-usap ni Yahweh kay Moises sa bundok ng Sinai, binigyan niya siya ng dalawang tipak ng bato ng tipan ng mga kautusan, gawa sa bato, nakasulat sa pamamagitan ng kaniyang sariling kamay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 8:19Pagkatapos sinabi ng mga salamamgkero kay Paraon, “Ito ang daliri ng Diyos” Pero ang puso ni Paraon ay pinatigas, kaya tumanggi siyang makinig sa kanila. Tulad ito ng sinabi ni Yahweh na gagawin ni Paraon.
Exodus 24:18Pumasok si Moises sa ulap at umakyat sa bundok. Naroon siya sa ibabaw ng bundok nang apatnapung araw at apatnapung gabi.
Exodus 32:16Ang mga tipak ng bato ay sariling gawa ng Diyos, at ang mga sulat ay sariling sulat ng Diyos, inukit sa mga tipak ng bato.
Exodus 34:28Naroon si Moises kasama si Yahweh ng apatnapung araw at gabi; hindi siya kumain ng kahit anong pagkain o uminom ng tubig. Isinulat niya sa mga tipak ang mga salita ng tipan, ang Sampung Utos.
Deuteronomy 5:22Sinabi ni Yahweh ang mga salitang ito sa isang napakalakas na boses sa buong kapulungan ninyo sa ibabaw ng bundok mula sa gitna ng apoy, ng ulap, at sa makapal na kadiliman; hindi na siya dumagdag ng anumang mga salita. At sinulat niya sa dalawang tipak na bato at ibinigay ang mga ito sa akin.
Deuteronomy 9:10Ibinigay ni Yahweh sa akin ang dalawang tipak na batong sinulatan gamit ang kaniyang daliri; nasusulat sa mga ito ang lahat ng bagay gaya ng lahat ng mga salitang ipinahayag ni Yahweh sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy noong araw ng pagtitipon.