Exodus 32:22
Sinabi ni Aaron, “Huwag mong hayaan ang iyong galit ay sumiklab, aking panginoon. Alam mo ang mga taong ito, kung paano sila gumagawa ng kasamaan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 44:18Pagkatapos lumapit si Juda sa kanya at sinabing, “Aking amo pakiusap, pahintulutan po ninyo akong makapagsalita sa pandinig ng aking amo, at huwag hayaang umapoy sa galit laban sa iyong alipin, sapagkat katulad ka ni Paraon.
Exodus 15:24Kaya nagreklamo ang mga tao kay Moises at sinabing, “Ano ang aming iinumin?.”
Exodus 16:20“Pero hindi sila nakinig kay Moises. Ang ilan sa kanila ay nagtira ng kaunti nito hanggang umaga, pero ito ay inuod at bumaho. Kaya nagalit sa kanila si Moises.
Exodus 17:2Kaya sinisi ng mga tao si Moises dahil sa kanilang kalagayan at sinabing, “Bigyan mo kami ng tubig na maiinom.” Sinabi ni Moises, “Bakit kayo makikipagtalo sa akin?” Bakit sinusubok ninyo si Yahweh?”
Deuteronomy 9:7Alalahanin ninyo at huwag kalimutan kung paano ninyo ginalit si Yahweh na inyong Diyos sa ilang; mula sa araw na iniwan ninyo ang lupain ng Ehipto hanggang sa nakarating kayo sa lugar na ito, naging suwail kayo laban kay Yahweh.
Deuteronomy 31:27Dahil alam ko ang inyong mga paghihimagsik at inyong katigasan; tingnan ninyo, habang patuloy akong nabubuhay kasama ninyo kahit sa araw na ito, kayo ay naging mapanghimagsik laban kay Yahweh; paano pa pag ako ay patay na?