Exodus 33:13
Ngayon kung ako ay nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, ipakita mo sa akin ang iyong mga paraan nang sa ganon ay makilala kita at patuloy na makatagpo ng pabor sa iyong paningin. Tandaan mo ang bayang ito ay iyong bayan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
14Sumagot si Yahweh, “Ang sarili kong presensiya ay sasama sa iyo, at bibigyan kita ng pahinga.”
Cross References
Exodus 33:17Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gagawin ko din ang bagay na ito na iyong hiniling, dahil ikaw ang nakatagpo ng pabor sa aking paningin, at nakikilalamo ako sa pangalan.”
Deuteronomy 9:26Nagdasal ako kay Yahweh at sinabing, 'O Panginoong Yahweh, huwag mong wasakin ang iyong mga tao o ang iyong pamana na iyong iniligtas sa pamamagitan ng iyong kadakilaan, na dinala mo palabas ng Ehipto gamit ang isang makapangyarihang kamay.
2 Samuel 15:25Sinabi ng hari kay Zadok, “Dalhin ang kaban ng Diyos pabalik sa lungsod. Kung makakasumpong ako ng biyaya sa mga mata ni Yahweh, dadalhin niya ako pabalik dito at ipapakitang muli sa akin ang kaban at ang lugar kung saan siya naninirahan.
Psalms 27:11Ituro mo sa akin ang iyong daan, Yahweh! Pangunahan mo ako sa patag na landas dahil sa aking mga kaaway.
Psalms 103:7Ipinaalam niya ang kanyang mga pamamaraan kay Moises, ang kanyang mga gawa sa mga kaapu-apuhan ng Israel.
Song of Solomon 1:7Sabihin mo sa akin, ikaw na aking mahal, saan mo pinapakain ang iyong kawan? Saan mo pinagpapahinga ang iyong kawan sa katanghalian? Bakit ako dapat maging katulad ng isang tao na nagpapalakad-lakad sa tabi ng mga kawan ng iyong mga kasamahan? Sumasagot sa kaniya ang kaniyang mangingibig.