The Bible Software
bible.softwareExodusExodus 7 › Exodus 7:19

Exodus 7:19

Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Kunin mo ang iyong tungkod at iabot mo ang kamay mo sa dako ng mga tubig ng Ehipto, sa dako ng kanilang mga ilog, mga batis, mga lawa, at lahat ng mga tubigan, para ang kanilang tubig ay maging dugo. Gawin mo ito para magkaroon ng dugo sa lahat ng buong lupain ng Ehipto, kahit na sa lalagyang kahoy at bato.'”

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And the LORD spake unto Moses, Say unto Aaron, Take thy rod, and stretch out thine hand upon the waters of Egypt, upon their streams, upon their rivers, and upon their ponds, and upon all their pools of water, that they may become blood; and that there may be blood throughout all the land of Egypt, both in vessels of wood, and in vessels of stone.

In Context

18Ang mga isda na nasa ilog ay mamamatay, at ang ilog ay mangangamoy. Ang mga taga-Ehipto ay hindi makakainom ng tubig mula sa ilog.”

20Ginawa nina Moises at Aaron ayon sa inutos ni Yahweh. Itinaas ni Aaron ang tungkod at hinampas ang tubig sa ilog, sa paningin nina Paraon at ng kaniyang mga lingkod. Lahat ng tubig sa ilog ay naging dugo.

Read all of Exodus 7

Cross References

Exodus 4:9At kung hindi sila maniniwala kahit sa dalawang palatandaan ng aking kapangyarihan, o makikinig sa iyo, pagkatapos kumuha ka ng kaunting tubig mula sa ilog at ibuhos ito sa tuyong lupa. Ang tubig na iyong kinuha ay magiging dugo sa tuyong lupa.”

Exodus 8:16Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Iunat mo ang iyong tungkod at hampasin mo ang alikabok sa lupa, para ito ay maging niknik sa lahat ng lupain ng Ehipto.”'

Exodus 9:33Nang umalis si Moises kay Paraon at sa lungsod, inilatag niya ang kaniyang mga kamay kay Yahweh; tumigil ang kulog at ulang may yelo, at ang ulan ay hindi na bumuhos pa.

Exodus 10:21Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Iunat mo ang iyong kamay patungo sa kalangitan, para magkaroon ng kadiliman sa buong lupain ng Ehipto, kadiliman na maaaring madama.”

Exodus 14:26Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat para ang tubig ay bumalik sa mga taga-Ehipto, kanilang mga karwahe at sa kanilang mga nangangabayo.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Exodus 7:19

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Exodus 7:18Exodus 7Exodus 7:20 →