The Bible Software
bible.softwareExodusExodus 7 › Exodus 7:20

Exodus 7:20

Ginawa nina Moises at Aaron ayon sa inutos ni Yahweh. Itinaas ni Aaron ang tungkod at hinampas ang tubig sa ilog, sa paningin nina Paraon at ng kaniyang mga lingkod. Lahat ng tubig sa ilog ay naging dugo.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And Moses and Aaron did so, as the LORD commanded; and he lifted up the rod, and smote the waters that were in the river, in the sight of Pharaoh, and in the sight of his servants; and all the waters that were in the river were turned to blood.

In Context

19Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Kunin mo ang iyong tungkod at iabot mo ang kamay mo sa dako ng mga tubig ng Ehipto, sa dako ng kanilang mga ilog, mga batis, mga lawa, at lahat ng mga tubigan, para ang kanilang tubig ay maging dugo. Gawin mo ito para magkaroon ng dugo sa lahat ng buong lupain ng Ehipto, kahit na sa lalagyang kahoy at bato.'”

21Ang mga isda sa ilog ay namatay, at ang ilog ay nagsimulang mangamoy. Hindi makainom ang mga taga-Ehipto ng tubig mula sa ilog, at ang dugo ay nasa lahat ng dako sa lupain ng Ehipto.

Read all of Exodus 7

Cross References

Exodus 4:9At kung hindi sila maniniwala kahit sa dalawang palatandaan ng aking kapangyarihan, o makikinig sa iyo, pagkatapos kumuha ka ng kaunting tubig mula sa ilog at ibuhos ito sa tuyong lupa. Ang tubig na iyong kinuha ay magiging dugo sa tuyong lupa.”

Exodus 7:10Pagkatapos pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon, at ginawa nila ayon sa inutos ni Yahweh. Tinapon ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harapan ni Paraon at kaniyang mga lingkod, at ito ay naging isang ahas.

Exodus 17:5Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Mauna ka sa mga tao at magdala ka ng ilan sa mga nakatatanda ng Israel. Dalhin mo ang tungkod na inihampas mo sa ilog at umalis ka.

Numbers 20:8“Kunin mo ang iyong tungkod at tipunin ang sambayanan, ikaw at si Aaron na iyong kapatid. Magsalita ka sa bato sa kanilang paningin, at utusan mo ang bato na magpadaloy ng tubig. Makakakuha ka ng tubig para sa kanila mula sa batong iyan, at dapat mong ibigay ito sa sambayanan at sa kanilang mga baka para inumin.”

Psalms 105:29Ginawa niyang dugo ang tubig at pinatay ang kanilang mga isda.

Revelation 8:8Pinatunog ng ikalawang anghel ang kaniyang trumpeta, at isang bagay na parang isang napakalaking bundok na nasusunog ng apoy ang itinapon sa dagat. Ang ikatlong bahagi ng dagat ay naging dugo,

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Exodus 7:20

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Exodus 7:19Exodus 7Exodus 7:21 →