Exodus 7:5
Malalaman ng mga taga-Ehipto na ako si Yahweh kapag iniabot ko ang aking kamay sa Ehipto at inilabas ang mga Israelita mula sa kanila.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Ginawa iyon nina Moises at Aaron; ginawa nila tulad ng inutos ni Yahweh sa kanila.
Cross References
Exodus 6:6Kaya, sabihin sa mga Israelita, 'Ako si Yahweh. Dadalhin ko kayo palabas mula sa pagkaalipin sa ilalim ng mga taga-Ehipto, at palalayain ko kayo mula sa kanilang kapangyarihan. Kayo ay aking ililigtas sa pagpapakita ng aking kapangyarihan, at makapangyarihang mga gawa ng paghatol.
Exodus 8:10Sinabi ni Paraon, “Bukas.” Sinabi ni Moises, “Mangyayari ayon sa sinabi mo, para malaman mo na walang ibang katulad ni Yahweh, ang aming Diyos.
Exodus 8:22Pero sa araw na iyon ituturing kong kakaiba ang lupain ng Gosen, ang lupain kung saan naninirahan ang aking bayan, para walang mga kuyog ng langaw ang paparoon. Ito ay mangyayari para iyong malaman na ako si Yahweh sa kalagitnaan ng lupaing ito.
Exodus 14:18Pagkatapos malalaman ng mga taga-Ehipto na ako ay si Yahweh at makakakuha ako ng karangalan nang dahil kay Paraon, sa kaniyang mga karwahe at sa kaniyang mga nangangabayo.”
Ezekiel 25:17Maghihiganti ako ng labis sa kanila na may matinding galit ng kaparusahan, kaya malalaman nila na ako si Yahweh, kapag isinagawa ko ang paghihiganti sa kanila!”
Ezekiel 36:23Sapagkat gagawin kong banal ang aking dakilang pangalan, na nilapastangan ninyo sa mga bansa—sa gitna ng mga bansa, ito ay nilapastangan ninyo. At malalaman ng mga bansa na ako si Yahweh— ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—kapag nakita ninyo na ako ay banal.