Exodus 8:22
Pero sa araw na iyon ituturing kong kakaiba ang lupain ng Gosen, ang lupain kung saan naninirahan ang aking bayan, para walang mga kuyog ng langaw ang paparoon. Ito ay mangyayari para iyong malaman na ako si Yahweh sa kalagitnaan ng lupaing ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 7:17Sinasabi ito ni Yahweh: “Sa pamamagitan nito ay makikilala mong ako si Yahweh. Hahampasin ko ang tubig ng Ilog Nilo ng tungkod na nasa kamay ko, at ang tubig ay magiging dugo.
Exodus 9:4Ituturing ni Yahweh na magkaiba ang mga baka ng mga Israelita at ang mga baka ng taga-Ehipto: walang hayop na pag-aari ng mga Israelita ang mamamatay.
Exodus 9:26Doon lamang sa lupain ng Gosen, kung saan nakatira ang mga Israelita, hindi umulan ng yelo.
Exodus 10:23Wala ni isang nakakakita ng sinuman; wala ni isang lumisan sa kanilang mga tirahan sa loob ng tatlong araw. Pero, mayroong ilaw ang lahat ng mga Israelita, sa lugar kung saan sila nakatira.
Exodus 12:13Ang dugo ay magiging isang palatandaan sa inyong mga tahanan para sa pagdating ko sa inyo. Kapag nakita ko ang dugo, lalagpasan ko lang kayo kapag sinalakay ko ang lupain ng Ehipto. Ang salot na ito ay hindi dadapo sa inyo at wawasak sa inyo.
Psalms 110:2Hahawakan ni Yahweh ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion; mamuno ka sa iyong mga kaaway.