Ezekiel 14:21
Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: tinitiyak kong magiging malala ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng ipapadala kong apat na kaparusahan—taggutom, espada, mababangis na hayop at salot—laban sa Jerusalem upang patayin ang mga tao at hayop mula sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 51:19Nangyari sa iyo ang dalawang kaguluhan na ito—sino ang makikidalamhati sa iyo? —pangungulila at pagkawasak, at ang taggutom at ang espada. Sino ang aaliw sa iyo?
Ezekiel 5:12Mamamatay sa salot ang ikatlong bahagi ninyo, at mauubos sila ng kagutuman sa inyong kalagitnaan. Ang ikatlong bahagi sa inyo ay mamamatay sa pamamagitan ng espada sa paligid ninyo. At ikakalat ko ang ikatlong bahagi sa inyo sa bawat dako, at huhugot ng espada upang habulin din sila.
Ezekiel 5:17Magpapadala ako ng taggutom at mga sakuna laban sa inyo upang hindi kayo magkaanak. Dadaan sa inyo ang salot at dugo, at magdadala ako ng espada sa inyo—Ako, si Yahweh ang nagpahayag nito.
Ezekiel 14:13“Anak ng tao, kapag nagkasala ang isang lupain laban sa akin sa pamamagitan ng paggawa ng kasalanan upang iunat ko ang aking kamay laban dito at babaliin ang tungkod ng tinapay nito at magpapadala ako sa kaniya ng taggutom at papatayin ang tao at hayop mula sa lupain;
Ezekiel 14:17O kung magpapadala man ako ng espada laban sa lupain na iyon at sabihin, 'Espada, pumunta ka sa mga lupain at patayin mo ang tao at hayop mula rito'—
Ezekiel 33:27Maaari mong sabihin ito sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Habang buhay ako, siguradong ang mga nasa wasak na lungsod ay babagsak sa pamamagitan ng espada at ibibigay ko ang mga nasa parang sa mga nilalang na nabubuhay bilang pagkain at sa mga nasa tanggulan at mga kuweba ay mamamatay sa mga salot.