Isaias 51:19
Nangyari sa iyo ang dalawang kaguluhan na ito—sino ang makikidalamhati sa iyo? —pangungulila at pagkawasak, at ang taggutom at ang espada. Sino ang aaliw sa iyo?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 42:11Pagkatapos lahat ng kapatid na lalaki ni Job, at lahat ng kaniyang kapatid na babae, at lahat silang naging kasama niya dati—pumunta sila sa kaniya at kumain sa bahay niya. Nakidalamhati sila sa kaniya at inaliw siya dahil sa lahat ng mga sakuna na dinala sa kaniya ni Yahweh. Ang bawat isa ay binigyan si Job ng piraso ng pilak at gintong singsing.
Ecclesiastes 4:1Minsan inisip ko ang tungkol sa lahat nang pag-uusig na ginagawa sa ilalim ng araw. Pagmasdan ang mga luha ng mga taong inusig. Wala silang taga-aliw. Ang kapangyarihan ay nasa kamay ng kanilang mang-uusig, ngunit walang taga-aliw ang mga taong inuusig.
Isaiah 22:4Kaya sinabi ko, “Huwag ninyo akong tingnan, mapait akong hahagulgol; huwag niyo akong subukang aliwin dahil sa pagkawasak ng anak na babae ng aking bayan.”
Isaiah 61:2Pinadala niya ako para ipahayag ang taon ng pabor ni Yahweh, ang araw ng paghihiganti ng aming Diyos, at para aliwin ang lahat ng nagluluksa—
Jeremiah 15:5Sapagkat sino ang mahahabag para sa iyo, Jerusalem? Sino ang magluluksa para sa iyo? Sino ang lilingon upang magtanong tungkol sa iyong kapakanan?
Lamentations 1:12Wala bang halaga sa inyo, kayong lahat na dumaraan? Pagmasdan at tingnan kung mayroong kalungkutan kaninuman tulad ng kalungkutan na nagpahirap sa akin, yamang pinahirapan ako ni Yahweh sa araw ng kaniyang mabagsik na galit.