Ezekiel 21:12
Tumawag ka ng tulong at managhoy, anak ng tao! Sapagkat ang espada ay dumating na sa aking mga tao! Ito ay nasa lahat ng mga pinuno ng Israel na inihagis sa espada! Sila ang aking mga tao, kaya paluin mo ang iyong hita sa kalungkutan! —
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 25:34Tumangis kayo, mga pastol, at sumigaw para humingi ng tulong! Gumulong sa lupa, kayo na mga kamahalan sa mga kawan. Sapagkat ang inyong mga araw ay kakatayin at ang paghihiwalay ay darating. Babagsak kayong gaya ng mga piniling tupang lalaki.
Jeremiah 31:19Sapagkat matapos akong tumalikod sa iyo, ako ay nagsisisi; matapos akong maturuan, pinaghahampas ko ang aking hita dahil sa kalungkutan. Ako ay nahihiya at napahiya sapagkat dala-dala ko ang pag-uusig sa aking kabataan.
Ezekiel 7:17Bawat kamay ay manghihina at bawat tuhod ay magiging kasing lambot ng tubig,
Ezekiel 21:6At ikaw, anak ng tao, maghinagpis ka gaya ng pagkabali ng iyong balakang! Maghinagpis ka na may kapaitan sa harapan ng kanilang mga paningin!
Ezekiel 30:2“Anak ng tao, magpropesiya ka at sabihin, 'ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Managhoy, “Aba sa darating na araw!”
Joel 2:1Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion, at magpatunog ng hudyat sa aking banal na bundok! Manginig sa takot ang lahat ng nakatira sa lupain sapagkat dumarating ang araw ni Yahweh, tunay nga na ito ay malapit na.