The Bible Software
bible.softwareJoelJoel 2 › Joel 2:1

Joel 2:1

Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion, at magpatunog ng hudyat sa aking banal na bundok! Manginig sa takot ang lahat ng nakatira sa lupain sapagkat dumarating ang araw ni Yahweh, tunay nga na ito ay malapit na.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Blow ye the trumpet in Zion, and sound an alarm in my holy mountain: let all the inhabitants of the land tremble: for the day of the LORD cometh, for it is nigh at hand;

In Context

2Ito ay araw ng kadiliman at kapanglawan, araw ng mga ulap at makapal na kadiliman. Katulad ng bukang liwayway na lumalaganap sa mga bundok, paparating ang napakarami at malakas na hukbo. Hindi pa nagkaroon ng hukbong ganito at hindi na muling magkakaroon ng katulad nito, lumipas man ang maraming henerasyon.

Read all of Joel 2

Cross References

Numbers 10:2“Gumawa ka ng dalawang trumpetang pilak. Pandayin mo ang pilak upang makagawa ng mga ito. Dapat gamitin mo ang mga trumpeta upang tawagin ang sambayanan nang sama-sama at upang sabihin sa sambayanang ilipat ang kanilang mga kampo.

Numbers 10:5Kapag humihip ka ng isang malakas na hudyat, ang mga kampo sa silangang dako ay dapat nilang simulan ang paglalakbay.

Ezra 9:3Nang marinig ko ito, pinunit ko ang aking damit at balabal at ginupit ko ang aking buhok at balbas. At umupo ako na hiyang-hiya.

Psalms 119:120Nanginginig ang aking katawan sa takot sa iyo, at natatakot ako sa matuwid mong mga utos. AYIN.

Isaiah 13:6Umungol kayo, dahil papalapit na ang araw ni Yahweh; darating ito nang may pagwasak mula sa Makapangyarihan.

Isaiah 66:2Ang kamay ko ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito; ganoon nilikha ang lahat ng mga ito — ito ang pahayag ni Yahweh. Ang taong sinasang-ayunan ko ay ang mga nagpapakumbaba at nagsisipagsisi, at nanginginig sa aking salita.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Joel 2:1

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
Joel 2Joel 2:2 →