Ezekiel 21:26
Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Hubarin mo ang turbante at tanggalin mo ang korona! Hindi na magiging gaya ng dati ang mga bagay! Itinaas ang nasa mababa at ibinaba ang nataas!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 2:7Si Yahweh ang nagpapadukha, at siya ang nagpapayaman. Siya ang nagpapababa, ngunit siya rin naman ang nagpapataas.
2 Kings 25:27Kinalaunan nang ika-tatlumpu't pitong taon ng pagkapatapon ni Jehoiakin hari ng Juda, sa ika-labing dalawang buwan, sa ika-dalawampu't pitong araw ng buwan, na pinalaya ni Evil Merodac hari ng Babilonia si Jehoiakin hari ng Juda mula sa bilangguan. Nangyari ito sa taon na nagsimulang maghari si Evil Merodac.
Psalms 113:7Ibinabangon niya ang mahihirap mula sa alabok at itinataas ang nangangailangan mula sa bunton ng abo,
Jeremiah 13:18“Sabihin ninyo sa hari at sa inang reyna, 'Magpakumbaba kayo at umupo, sapagkat bumagsak na ang mga korona sa inyong ulo, ang inyong pagmamataas at ang inyong karangalan.'
Jeremiah 52:9Binihag nila ang hari at dinala sa hari ng Babilonia sa Ribla sa lupain ng Hamat, kung saan niya ibinigay ang hatol sa kaniya.
Lamentations 5:16Nahulog ang korona mula sa aming mga ulo! sa aba namin! Sapagkat nangagkasala kami.