Ezekiel 30:13
Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Sisirain ko ang mga diyus-diyosan at wawakasan ko ang mga walang silbing diyus-diyosan ng Memfis. Wala ng magiging prinsipe sa lupain ng Egipto at maglalagay ako ng katatakutan sa lupain ng Egipto!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 19:1Isang kapahayagan tungkol sa Ehipto. Pagmasdan ninyo, nakasakay si Yahweh sa mabilis na ulap at paparating sa Ehipto; nayayanig ang mga diyos-diyosan ng Ehipto sa kaniyang harapan, at natutunaw ang mga puso ng mga taga-Ehipto.
Jeremiah 10:11Ganito ang sasabihin mo sa kanila, “Malilipol sa lupa at sa ilalim ng kalangitan ang mga diyos na hindi lumikha ng kalangitan at ng lupa.
Jeremiah 43:13Babasagin niya ang mga batong haligi sa Heliopolis sa lupain ng Egipto. Susunugin niya ang mga templo ng mga diyus-diyosan sa Egipto.
Jeremiah 46:14“Iulat ninyo sa Egipto at hayaang mabalitaan sa Migdol at sa Memfis. Sa Tafnes, sinabi nila, 'Lumugar kayo at tumindig, sapagkat nilalamon ng espada ang lahat ng nasa paligid ninyo.
Jeremiah 46:25Sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, “Tingnan mo, parurusahan ko si Ammon na taga-Tebes, ang Faraon, ang Egipto at ang kaniyang mga diyos, ang kaniyang mga haring Faraon, at ang mga nagtitiwala sa kanila.
Hosea 9:6Sapagkat, tingnan ninyo, kung nakatakas man sila mula sa pagkawasak, titipunin sila ng Egipto at ililibing sila ng Memfis. Ang kanilang kayamanan na pilak—matatakpan ang mga ito ng matatalim na dawag at mapupuno ng mga tinik ang kanilang mga tolda.