Hosea 9:6
Sapagkat, tingnan ninyo, kung nakatakas man sila mula sa pagkawasak, titipunin sila ng Egipto at ililibing sila ng Memfis. Ang kanilang kayamanan na pilak—matatakpan ang mga ito ng matatalim na dawag at mapupuno ng mga tinik ang kanilang mga tolda.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
5Ano ang gagawin mo sa araw ng itinakdang kapistahan, sa araw ng kapistahan para kay Yahweh?
Cross References
Deuteronomy 28:63Kagaya ng pagkagalak noong una ni Yahweh sa inyo sa paggawa ninyo ng mabuti, at sa pagpaparami sa inyo, kaya siya din ay magagalak na kayo ay mapuksa at mawasak. Bubunutin kayo paalis sa lupain na inyong papasukin para angkinin.
2 Kings 13:7Nagtira ang mga Amarean kay Jehoahas ng limampung mangangabayo lamang, sampung karwahe, at sampung libong kawal, dahil winasak sila ng hari ng Aram at ginawang tulad ng ipa sa panahon ng anihan.
Proverbs 24:31Ang mga tinik ay tumubo sa lahat ng dako, ang lupa ay nababalot ng halamang matinik at ang batong pader nito ay sira.
Isaiah 7:23Sa panahong iyon, sa lugar kung saan ang isang libong puno ng ubas ay nagkakahalaga sana ng isang libong salaping pilak, magiging dawagan at puro tinik lang ito.
Isaiah 19:13Naging hangal ang mga prinsipe ng Soan, nalinlang ang mga prinsipe ng Memfis; niligaw nila ang Ehipto, ang panulukang bato ng kaniyang mga tribo.
Isaiah 32:13Ang lupain ng aking bayan ay labis na tutubuan ng mga tinik at mga dawag, kahit ang lahat na minsang may kagalakan ng mga bahay sa lungsod ng katuwaan.