Ezekiel 34:13
At ilalabas ko sila mula sa mga tao; Titipunin ko sila mula sa mga lupain at dadalhin sila sa inyong lupain. Ilalagay ko sila sa mga pastulan sa mga bahagi ng kabundukan ng Israel, sa tabi ng mga bukal, at sa bawat pamayanan sa lupain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 106:47Iligtas mo kami, Yahweh, aming Diyos. Tipunin mo kami mula sa mga bansa para magbigay kami ng pasasalamat sa iyong banal na pangalan at luwalhati sa iyong mga papuri.
Isaiah 49:9Sasabihin mo sa mga bilanggo, 'Lumabas kayo;' sa mga nasa madidilim na kulungan, 'Ipakita ninyo ang inyong mga sarili.' Manginginain sila sa mga daanan, at magiging pastulan nila ang mga kalbong dalusdos.
Isaiah 66:19Maglalagay ako ng isang makapangyarihang tanda sa kanila. Pagkatapos ipapadala ko ang mga nakaligtas mula sa kanila sa mga bansa: Sa Tarsis, Put, at Lud, mga mamamana na gumagamit ng kanilang mga palaso, sa Tubal, Javan at sa mga malalayong baybayin kung saan sila ay hindi pa nakarinig ng tungkol sa akin ni nakakita ng aking kaluwalhatian. Ipapahayag nila ang aking kaluwalhatian sa mga bansa.
Jeremiah 23:8Sa halip sasabihin nila, 'Sapagkat buhay si Yahweh, na naglabas at nagbalik sa mga kaapu-apuhan ng sambahayan ng Israel mula sa hilagang lupain at sa lahat ng mga lupain kung saan sila dinala.' At mamumuhay sila sa kanilang sariling lupain.”
Jeremiah 30:18Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tingnan mo, ibinabalik ko na ang mga kasaganaan sa mga tolda ni Jacob at magkakaroon ng pagkahabag sa kaniyang mga tahanan. At itatayo ang lungsod sa bunton ng mga pagkawasak at magkakaroon ng isang matibay na tanggulan na muling magagamit.
Jeremiah 32:37Tingnan mo, malapit ko na silang tipunin sa bawat lupain kung saan itinaboy ko sila sa aking galit, poot, at matinding galit. Malapit ko na silang ibalik sa lugar na ito at mamumuhay sila nang matiwasay.