Ezekiel 37:21
At ipahayag mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Masdan! Kukunin ko ang Israelita mula sa mga bansa kung saan sila pumunta. Titipunin ko sila mula sa mga nakapalibot na mga lupain. Sapagkat dadalhin ko sila sa kanilang lupain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
20At hawakan mo sa iyong kamay ang mga sanga na sinulatan mo sa harapan ng kanilang mga mata.
Cross References
Deuteronomy 30:3kung gayon babaligtarin ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong pagkakabihag at magkakaroon ng habag sa inyo, babalik siya at titipunin kayo mula sa lahat ng mga tao kung saan si Yahweh ang inyong Diyos ay ikinalat kayo.
Isaiah 27:12Mangyayari sa araw na iyon na ihihiwalay ni Yahweh ang dumadaloy na agos ng Ilog ng Eufrates, hanggang sa batis ng Ehipto, at isa-isa kayong titipunin, bayan ng Israel.
Isaiah 49:12Tingnan mo, ang mga ito ay nanggaling pa mula sa malayo, ang iba ay mula sa hilaga at kanluran; at ang iba ay mula sa lupain ng Syene.
Jeremiah 23:3Ako mismo ang magtitipon sa mga nalabi sa aking mga kawan mula sa lahat ng mga lupain kung saan ko sila dinala, at ibabalik ko sila sa isang masaganang lugar, kung saan sila ay magiging mabunga at dadami.
Jeremiah 29:14At matatagpuan ninyo ako at ibabalik ko ang inyong mga kayamanan. Ito ang pahayag ni Yahweh. Titipunin ko kayo mula sa lahat ng mga bansa at mga lugar kung saan ko kayo ikinalat, sapagkat ibabalik ko kayo mula sa lugar kung saan ko kayo ipinadala nang sapilitan.' Ito ang pahayag ni Yahweh.
Jeremiah 30:10Kaya ikaw Jacob na aking lingkod, huwag kang matakot at huwag kang panghinaan ng loob, Israel. Ito ang pahayag ni Yahweh. Sapagkat tingnan ninyo, ibabalik ko na kayo sa malayo at ang inyong mga kaapu-apuhan sa lupain ng pagkabihag. Babalik si Jacob at magiging mapayapa at magiging ligtas siya at wala ng katatakutan kailanman