Ezekiel 40:39
May dalawang hapag sa magkabilang bahagi ng portiko kung saan kinakatay ang alay na susunugin at gayundin ang alay para sa kasalanan at ang alay para sa pagkakasala.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 4:2“Sabihin mo sa bayan ng Israel, 'Kapag nagkasala ang sinuman na hindi sinasadyang magkasala, sa paggawa ng alinmang bagay na inutos ni Yahweh na huwag gawin, at kung nakagawa siya ng isang bagay na ipinagbabawal, dapat gawin ang sumusunod.
Leviticus 4:13Kung nagkasala ang buong kapulungan ng Israel nang hindi sinasadya, at hindi alam ng kapulungan na nagkasala sila at nakagawa ng anumang mga bagay na inutos ni Yahweh na huwag gawin, at kung nagkasala sila,
Leviticus 5:15“Kung sinuman ay lumabag sa isang utos at nagkasala laban sa mga bagay na pagmamay-ari ni Yahweh, ngunit nagawa nang hindi sinasadya, kung gayon dapat dalhin niya kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad kasalanan. Dapat isang lalaking tupa na walang dungis mula sa kawan ang handog na ito; dapat tasahin ang halaga nito sa pilak na sekel—ang sekel ng santuwaryo—bilang handog na pambayad sa kasalanan.
Leviticus 6:6Pagkatapos dapat niya dalhin kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad para sa kasalanan: isang lalaking tupa mula sa kawan na walang dungis na nagkakahalaga ng kasalukuyang halaga, bilang isang handog na pambayad para sa kasalanan sa pari.
Leviticus 7:2Dapat nila patayin ang handog na pambayad para sa kasalanan sa lugar ng pagpatay dito, at dapat isaboy nila ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
Isaiah 53:10Ito ay kalooban ni Yahweh para durugin siya at gawin siyang masama; at kung ginagawa niyang handog ang kanyang buhay para sa kasalanan, makikita niya ang kanyang mga anak, pahahabain niya ang kanyang mga araw, at ang kalooban ni Yahweh ay matutupad sa pamamagitan niya.