Leviticus 4:2
“Sabihin mo sa bayan ng Israel, 'Kapag nagkasala ang sinuman na hindi sinasadyang magkasala, sa paggawa ng alinmang bagay na inutos ni Yahweh na huwag gawin, at kung nakagawa siya ng isang bagay na ipinagbabawal, dapat gawin ang sumusunod.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1Nagsalita si Yahweh kay Moises, sinasabing,
Cross References
Genesis 20:9Pagkatapos, tinawag ni Abimelech si Abraham at sinabi sa kanya,” Ano itong ginawa mo sa amin? Paano ako nagkasala sa iyo, na nagdala ka sa akin at sa aking kaharian ng matinding kasalanan? Ginawa mo sa akin ang hindi dapat gawin.”
Leviticus 4:22Kapag nagkasala ang isang namumuno nang hindi sinasadya, sa paggawa ng anuman sa lahat ng mga bagay na inutos ni Yahweh na kanyang Diyos na huwag gawin, at kung nagkasala siya,
Leviticus 5:15“Kung sinuman ay lumabag sa isang utos at nagkasala laban sa mga bagay na pagmamay-ari ni Yahweh, ngunit nagawa nang hindi sinasadya, kung gayon dapat dalhin niya kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad kasalanan. Dapat isang lalaking tupa na walang dungis mula sa kawan ang handog na ito; dapat tasahin ang halaga nito sa pilak na sekel—ang sekel ng santuwaryo—bilang handog na pambayad sa kasalanan.
Numbers 15:22Minsan magkakasala kayo nang hindi sinasadya, kapag hindi ninyo sinunod ang lahat ng utos na ito na sinabi ko kay Moises—
1 Samuel 14:27Subalit hindi narinig ni Jonatan na binigkis ng kanyang ama ang mga tao sa isang panunumpa. Inabot niya ang dulo ng kanyang tungkod na nasa kanyang kamay at inilublob ito sa pulot-pukyutan. Itinaas niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig, at lumiwanag ang kanyang mga mata.
Psalms 19:13Ingatan mo rin ang iyong lingkod sa mga kasalanang mapagmataas; huwag mong hayaan na ang mga ito ay maghari sa akin. Sa gayon ako ay magiging ganap, at inosente sa maraming kasalanan.