Ezekiel 5:13
At magiging ganap ang aking poot, at ititigil ko ang aking matinding galit sa kanila. Masisiyahan ako, at makilala nila na akong si Yahweh ang nagsasabi ng mga bagay na ito dahil sa aking poot nang matapos ko ang aking matinding galit laban sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:63Kagaya ng pagkagalak noong una ni Yahweh sa inyo sa paggawa ninyo ng mabuti, at sa pagpaparami sa inyo, kaya siya din ay magagalak na kayo ay mapuksa at mawasak. Bubunutin kayo paalis sa lupain na inyong papasukin para angkinin.
Isaiah 1:21Naging babaeng bayaran ang tapat na lungsod! Siya na dating puno ng katarungan ay puno ng katuwiran, pero ngayon puno siya ng mamamatay-tao.
Isaiah 9:7Sa paglawak ng kaniyang kapamahalaan, mananatili ang kapayapaan, habang siya ay nakaluklok sa trono ni David, sakop ang kaniyang kaharian, patatatagin niya at panatilihin ito nang may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang tutupad nito.
Jeremiah 14:12Sapagkat, kapag nag-ayuno sila, hindi ako makikinig sa kanilang pagdaing at kapag nag-alay sila ng mga handog na susunugin at mga handog na pagkain, hindi ako malulugod sa mga ito. Sapagkat lilipulin ko sila sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.”
Jeremiah 25:12At mangyayari ang mga ito kapag nabuo na ang pitumpung taon, na aking parurusahan ang hari ng Babilonia at ang bansang iyon, ang lupain ng mga Caldeo— Ito ang pahayag ni Yahweh—dahil sa kanilang mga kasalanan at gagawin ito ng walang katapusang pagkawasak.
Lamentations 4:22Natapos na ang iyong kasamaan, anak na babae ng Zion. Hindi ka na niya bibihagin. Ngunit kaniyang parurusahan ang iyong kasamaan, anak na babae ng Edom. Kaniyang ilalantad ang iyong mga kasalanan.