Ezra 2:68
Nang pumunta sila sa tahanan ni Yahweh sa Jerusalem, ang mga punong matatanda ay naghandog ng mga kusang-loob na handog upang maipatayo ang tahanan ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
67Ang kanilang kamelyo: 435. Ang kanilang asno: 6, 720.
Cross References
Exodus 35:5Magdala ng handog para kay Yahweh, lahat kayo na may bukas na puso. Magdala ng handog kay Yahweh—ginto, pilak, tanso,
Exodus 35:29Ang mga Israelita ay kusang-loob na nagdala ng handog kay Yahweh; ang bawat lalaki at babae na may pusong handa ay nagdala ng mga kagamitan para sa lahat ng gawain na iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises na gagawin.
Numbers 7:3Dinala nila ang kanilang mga handog sa harapan ni Yahweh. Nagdala sila ng anim na karitong may takip at labindalawang lalaking baka. Nagdala sila ng isang kariton para sa bawat dalawang pinuno, at nagdala ang bawat pinuno ng isang lalaking baka. Idinulog nila ang mga bagay na ito sa harapan ng tabernakulo.
1 Chronicles 22:1At sinabi ni David, “Dito itatayo ang tahanan ng Diyos na si Yahweh, kasama ang altar para sa mga handog na susunugin ng Israel.”
2 Chronicles 3:1At sinimulang ipatayo ni Solomon ang tahanan ni Yahweh sa Jerusalem sa Bundok ng Moria, kung saan nagpakita si Yahweh kay David na kaniyang ama. Inihanda niya ang lugar na binalak ni David para rito sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
Ezra 9:9Sapagkat kami ay mga alipin, ngunit hindi kami kinalimutan ng aming Diyos bagkus hinabaan niya ang kaniyang tipan ng katapatan sa amin. Ginawa niya ito sa harap ng hari ng Persia upang bigyan niya kami ng kalakasan, upang muli naming maitayo ang tahanan ng Diyos at buuin ang mga nawasak. Ginawa niya ito upang mabigyan niya kami ng isang pader ng kaligtasan sa Juda at Jerusalem.