Ezra 3:10
Ang mga tagapagtayo ay inaglagay ang pundasyon para sa templo ni Yahweh. Binigyang daan nito ang mga paring nakatayo na suot ang kanilang mga kasuotan kasama ang mga trumpeta, at mga Levita, mga anak ni Asaf, upang papurihan si Yahweh sa pamamagitan ng pompyang, gaya ng iniutos ng mga kamay ni David, na hari ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 28:40Para sa mga anak na lalaki ni Aaron gumawa ka ng mga kasuotan, mga sintas, at mga bandana, para sa kanilang karangalan at kagandahan.
1 Samuel 22:18Pagkatapos sinabi ng hari kay Doeg, “Bumalik at patayin ang mga pari.” Kaya bumalik si Doeg na taga-Edom at sinalakay ang mga pari; nakapatay siya ng walumpu't-limang mga tao na nakasuot ng isang telang efod sa araw na iyon.
1 Chronicles 15:24Ang mga paring sina Sebanias, Joshafat, Nethanael, Amazias, Zacarias, Benaias at Eliezer ang iihip ng mga trumpeta sa harapan ng kaban ng Diyos. Si Obed-edom at Jehias ang mga tagabantay ng kaban.
1 Chronicles 16:4Nagtalaga si David ng ilang Levita upang maglingkod sa harapan ng kaban ni Yahweh, at upang magdiwang, magpasalamat at magpuri kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
1 Chronicles 16:42Sina Heman at Jeduthun ang namamahala sa mga nagpapatunog ng mga trumpeta, mga pompiyang, at ang ibang mga instrumento para sa sagradong musika. Ang mga anak ni Jeduthun ang nagbantay sa tarangkahan.
1 Chronicles 25:1Si David at ang mga pinuno ng manggagawa ng tabernakulo ay pumili ng ilan sa mga anak nina Asaf, Heman at Jeduthun para sa ilang mga gawain na ito. Nagpahayag ng propesiya ang mga kalalakihang ito nang may arpa, mga instrumentong may kuwerdas at mga pompiyang. Ito ang listahan ng mga kalalakihang gumawa ng gawaing ito: