Ezra 3:7
Kaya sila ay nagbigay ng pilak sa mga manlililok ng bato at mga mahusay na manggagawa; at pagkain, inumin, at langis sa mamamayan ng Sidon at Tiro, para sila ay magpadala ng mga puno ng sedar galing sa Lebanon patungo sa Jopa sa pamamagitan ng dagat, katulad ng pahintulot sa kanila ni Ciro, hari ng Persia.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 5:6Kaya ngayon utusan mo sila na magputol ng mga sedar mula sa Lebanon para sa akin. At ang aking mga lingkod ay tutulong sa iyong mga lingkod, at babayaran kita para sa iyong mga lingkod sa gayon bayad ka ng patas sa lahat ng bagay na sinang-ayunan mong gawin. Dahil alam mo na walang sinuman sa amin ang nakakaalam kung paano magputol ng troso gaya ng mga taga-Sidon.”
2 Kings 12:10Kapag nakikita nila na marami ng laman ang baul, lalapit ang mga eskriba ng hari at punong pari at ilalagay sa mga lalagyan ang salapi at bibilangin ito, ang salaping nakuha nila sa templo ni Yahweh.
2 Kings 12:13Pero ang mga salaping dinala sa tahanan ni Yahweh ay hindi ginamit para sa paggawa ng mga kopang pilak, mga pantabas ng mitsa, mga mangkok, mga trumpeta o anumang kasangkapan na gawa sa ginto o pilak.
2 Chronicles 2:10Ibibigay ko sa iyong mga lingkod, na puputol ng kahoy, ang dalawampung libong sisidlang puno ng binayong trigo, dalawampung libong sisidlang puno ng sebada, dalawampung libong sisidlang puno ng alak at dalawampung libong sisidlan na puno ng langis.”
2 Chronicles 24:12Ibinigay ng hari at ni Joiada ang pera sa mga gumawa ng gawaing paglilingkod sa tahanan ni Yahweh. Umupa ang mga lalaking ito ng mga kantero at mga karpintero upang ibalik sa dating kalagayan ang tahanan ni Yahweh, at maging ang mga gumagawa gamit ang bakal at tanso.
Ezra 1:2Sabi ni Ciro, hari ng Persia: Ibinigay sa akin ni Yahweh, ang Diyos ng Langit, ang lahat ng mga kaharian sa daigdig, at itinalaga niya ako na magtayo ng isang templo para sa kaniya sa Jerusalem na nasa Judea.