Ezra 1:2
Sabi ni Ciro, hari ng Persia: Ibinigay sa akin ni Yahweh, ang Diyos ng Langit, ang lahat ng mga kaharian sa daigdig, at itinalaga niya ako na magtayo ng isang templo para sa kaniya sa Jerusalem na nasa Judea.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 8:27Ngunit ang Diyos ba ay talagang maninirahan sa mundo? Masdan ito, ang buong sansinukob at kalangitan mismo ay hindi ka kayang ilulan — paano pa kaya ang templo na aking tinayo!
Ezra 5:15Sinabi niya sa kaniya, “Kunin mo ang mga kagamitang ito. Pumunta ka at ilagay ang mga ito sa templo sa Jerusalem. Nawa maitayong muli ang tahanan ng Diyos doon.”
Ezra 6:10Gawin ninyo ito para sila ay makapagdala ng handog sa Diyos ng Kalangitan at ipanalangin ako, ang hari, at ang aking mga anak.
Nehemiah 1:4At nang marinig ko ang mga salitang ito, ako ay umupo at umiyak, at ilang araw akong patuloy na nagdalamhati at nag-ayuno at nanalangin sa harap ng Diyos ng langit.
Psalms 85:2Pinatawad mo ang kasalanan ng iyong mamamayan; tinakpan mo ang lahat ng kanilang kasalanan. Selah
Isaiah 41:2Sinong nagbuyo ng isang ito sa silangan? Sino ang tumatawag sa kaniya sa mabuting kaayusan sa kaniyang paglilingkod? Siya ang nagbigay ng mga bansa sa kaniya at ginawa siyang may kakayahan na pasukuin ang mga hari; sila ay ginawang tulad ng alikabok sa kaniyang espada, parang hinipang pinaggapasan gamit ang palaso.