Ezra 4:3
Ngunit sinabi nina Zerubabel, Josue, at ng mga pinuno ng mga angkan, “kami dapat ang magtayo ng tahanan ng aming Diyos at hindi kayo, dahil kami ang magtatayo para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, ayon sa iniutos ni Haring Ciro ng Persia.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 36:22Ngayon sa unang taon ni Ciro, ang hari ng Persia, upang maganap ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, inudyukan ni Yahweh ang espiritu ni Ciro, ang hari ng Persia, kaya gumawa siya ng pahayag sa lahat ng kaniyang kaharian at isinulat din ang mga ito. Sinabi niya,
Ezra 1:3Sinuman sa inyo na nagmula sa kaniyang mga tao, sumainyo nawa ang kaniyang Diyos, para kayo ay umakyat sa Jerusalem at magtayo ng templo para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, na siyang Diyos ng Jerusalem.
Nehemiah 2:20Pagkatapos sinagot ko sila, “Bibigyan kami ng Diyos ng kalangitan ng katagumpayan. Kami ay kaniyang mga lingkod at babangon kami at magtatayo. Pero kayo ay walang bahagi, walang karapatan, at walang kasaysayang pinanghahawakan sa Jerusalem.”
Isaiah 45:4Para sa kapakanan ni Jacob na aking lingkod, at sa Israel na aking pinili, tinawag kita sa iyong pangalan: bibigyan ka ng isang pangalan na may karangalan, kahit hindi mo ako kinilala.
John 4:22Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman. Alam namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay nagmula sa mga Judio.
Romans 9:4Sila ay mga Israelita. Nasa kanila ang pagkupkop, ang kaluwalhatian, ang mga kasunduan, ang kaloob ng batas, ang pagsamba sa Diyos, at ang mga pangako.