Romans 9:4
Sila ay mga Israelita. Nasa kanila ang pagkupkop, ang kaluwalhatian, ang mga kasunduan, ang kaloob ng batas, ang pagsamba sa Diyos, at ang mga pangako.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 17:2Pagkatapos pagtitibayin ko ang aking tipan sa pagitan natin, at lubos kitang pararamihin.”
Genesis 17:10Ito ang aking tipan sa pagitan ko at sa pagitan mo at sa susunod mong mga kaapu-apuhan na dapat mong ingatan: Lahat ng lalaki sa inyo ay dapat matuli.
Exodus 4:22Kailangan mong sabihin kay Paraon, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: ang Israel ay aking anak, ang aking panganay,
Exodus 19:3Umakyat si Moises sa Diyos. Tinawag siya ni Yahweh mula sa bundok at sinabi, “Kailangan mong sabihin sa bahay ni Jacob, sa bayan ng Israel:
Exodus 34:27Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Isulat mo itong mga salita dahil ipinapangako ko ang aking sarili ng mga salitang ito na aking sinabi, at gumawa ng tipan sa inyo at sa Israel.”
Numbers 7:89Nang pumasok si Moises sa tolda ng pagpupulong upang makipag-usap kay Yahweh, narinig niya ang kaniyang tinig na kinakausap siya. Kinausap siya ni Yahweh mula sa itaas ng takip ng luklukan ng awa na nasa kaban ng tipan, mula sa gitna ng dalawang kerubim. Nakipag-usap siya sa kaniya.