Ezra 6:3
Sa unang taon ni Haring Ciro, naglabas siya ng isang utos tungkol sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem: 'Maitayo nawa ang tahanan para sa paghahandog. Maitayo nawa ang mga pader nito na may animnapung siko ang taas at animnapung siko ang lapad,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 12:5Pero sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng inyong mga lipi para ilagay ang kaniyang pangalan, na magiging lugar kung saan siya titira, at doon kayo pupunta.
1 Kings 6:2Ang templo na itinayo ni Haring Solomon para kay Yahweh ay may animnapung kubit na haba, dalawampung kubit na lawak, at tatlumpong kubit na taas.
2 Chronicles 2:6Ngunit sino ang makapagtatayo ng isang tahanan para sa Diyos, gayong sa buong kalawakan at maging sa kalangitan mismo ay hindi siya magkasiya? Sino ako upang ipagtayo siya ng tahanan, maliban na magsunog ng mga alay sa harapan niya?
2 Chronicles 36:22Ngayon sa unang taon ni Ciro, ang hari ng Persia, upang maganap ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, inudyukan ni Yahweh ang espiritu ni Ciro, ang hari ng Persia, kaya gumawa siya ng pahayag sa lahat ng kaniyang kaharian at isinulat din ang mga ito. Sinabi niya,
Ezra 3:7Kaya sila ay nagbigay ng pilak sa mga manlililok ng bato at mga mahusay na manggagawa; at pagkain, inumin, at langis sa mamamayan ng Sidon at Tiro, para sila ay magpadala ng mga puno ng sedar galing sa Lebanon patungo sa Jopa sa pamamagitan ng dagat, katulad ng pahintulot sa kanila ni Ciro, hari ng Persia.
Ezra 5:15Sinabi niya sa kaniya, “Kunin mo ang mga kagamitang ito. Pumunta ka at ilagay ang mga ito sa templo sa Jerusalem. Nawa maitayong muli ang tahanan ng Diyos doon.”