Ezra 7:5
Abisua, Finehas, Eleazar, at si Aaron na pinakapunong pari -
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
The son of Abishua, the son of Phinehas, the son of Eleazar, the son of Aaron the chief priest:
In Context
Cross References
Leviticus 10:6Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar na kaniyang mga anak na lalaki, “Huwag ninyong hayaan ang buhok sa inyong mga ulo na nakalugay, at huwag punitin ang inyong mga damit, para hindi kayo mamatay at para hindi mapoot si Yahweh sa buong kapulungan. Pero hayaan ninyo ang inyong mga kamag-anak, ang buong bahay ng Israel ang magluksa para sa mga sinunog ng apoy ni Yahweh.
Leviticus 10:16Pagkatapos tinanong ni Moises ang tungkol sa kambing na handog para sa kasalanan, at nalaman na ito ay nasunog na. Kaya nagalit siya kina Eleazar at Itamar, ang mga natitirang anak na lalaki ni Aaron; sinabi niya,
Numbers 20:25Kunin mo si Aaron at si Eleazar na kaniyang anak na lalaki at dalhin mo sila sa Bundok Hor.
Numbers 27:2Tumayo sila sa harapan nina Moises, Eleazar na pari, sa mga pinuno, at sa harapan ng lahat ng mga komunidad sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. Sinabi nila,
Numbers 31:31Kaya ginawa nina Moises at Eleazar ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
Joshua 14:1Ito ang mga lugar ng lupain na tinanggap ng bayan ng Israel bilang kanilang mana sa lupain ng Canaan, na nakalaan para sa kanila ni Eleazar na pari, ni Josue na anak na lalaki ni Nun, at ng mga pinuno ng mga lipi ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno sa loob ng bayan ng Israel.