Ezra 8:28
Pagkatapos, sinabi ko sa kanila, 'Kayo ay inilaan para kay Yahweh, maging ang mga kagamitang ito. At ang pilak at ginto na ito ay kusang-kaloob na handog kay Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 21:6Dapat silang ibukod para sa kanilang Diyos, at hindi ipahiya ang pangalan ng kanilang Diyos, dahil ang mga pari ang naghahandog ng mga alay kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy, ang “pagkain” ng kanilang Diyos. Kaya dapat silang ibukod.
Numbers 4:4Dapat sumali ang kalalakihang ito sa samahan para maglingkod sa tolda ng pagpupulong. Dapat pangalagaan ng mga kaapu-apuhan ni Kohat ang pinakasagradong mga bagay na inilaan para sa akin sa tolda ng pagpupulong.
Numbers 7:13Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil ang mga bagay na ito.
Deuteronomy 33:8Tungkol kay Levi, sinabi ni Moises: Ang iyong Tummim at iyong Urim ay napapabilang sa iyong kinasisiyahan, ang iyong sinubukan doon sa Masa, kung saan kayo nakipagburo sa tubig ng Meriba.
1 Chronicles 23:28Ang kanilang tungkulin ay upang tulungan ang kaapu-apuhan ni Aaron sa paglilingkod sa tahanan ni Yahweh. Sila ang mangangalaga sa mga patyo, mga silid, ang seremonya sa paglilinis ng lahat ng mga bagay na pag-aari ni Yahweh, at iba pang gawain sa paglilingkod sa tahanan ng Diyos.
2 Chronicles 24:14Nang kanilang matapos, dinala nila ang natirang pera sa hari at kay Joiada. Ang perang ito ay ginamit sa paggawa ng muwebles para sa bahay ni Yahweh, mga kasangkapan sa paglilingkod at paghahandog, mga sandok at mga kasangkapang ginto at pilak. Patuloy silang nag-alay ng mga handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh sa lahat ng mga araw ni Joiada.