Ezra 9:8
Subalit ngayon sa maikling panahon, dumating ang habag mula kay Yahweh na aming Diyos upang mag-iwan sa amin ng ilang mga nakaligtas at bigyan kami ng bahagi sa kaniyang dakong banal. Ito ay upang paliwanagin ng aming Diyos ang aming mga mata at bigyan kami ng kaunting ginhawa sa aming pagkakaalipin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 14:27Subalit hindi narinig ni Jonatan na binigkis ng kanyang ama ang mga tao sa isang panunumpa. Inabot niya ang dulo ng kanyang tungkod na nasa kanyang kamay at inilublob ito sa pulot-pukyutan. Itinaas niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig, at lumiwanag ang kanyang mga mata.
2 Kings 19:4Maaaring pakikinggan ni Yahweh ang inyong Diyos ang lahat ng mga sinabi ng punong tagapag-utos, na pinadala ng hari ng Asiria na kaniyang panginoon para labanan ang buhay na Diyos, at sasawayin ang mga salitang narinig ni Yahweh na inyong Diyos. Ngayon ay itaas ninyo ang inyong mga panalangin para sa mga nalalabing naririto pa.”
Ezra 9:9Sapagkat kami ay mga alipin, ngunit hindi kami kinalimutan ng aming Diyos bagkus hinabaan niya ang kaniyang tipan ng katapatan sa amin. Ginawa niya ito sa harap ng hari ng Persia upang bigyan niya kami ng kalakasan, upang muli naming maitayo ang tahanan ng Diyos at buuin ang mga nawasak. Ginawa niya ito upang mabigyan niya kami ng isang pader ng kaligtasan sa Juda at Jerusalem.
Nehemiah 1:11Yahweh, ako ay nakikiusap sa iyo, pakinggan mo ngayon ang panalangin ng iyong lingkod at ang panalangin ng iyong mga lingkod na nasisiyahang parangalan ang iyong pangalan. Ngayon bigyan mo ng katagumpayan ang iyong lingkod sa araw na ito, at ipagkaloob mo sa kaniya ang habag sa paningin ng taong ito.” Ako ay naglingkod bilang tagapagdala ng kopa ng hari.
Job 33:30para makuha ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, kaya maliliwanagan siya nang liwanag ng buhay.
Psalms 13:4Huwag mong hayaan na sabihin ng aking kaaway, “Natalo ko siya”, para ang aking kaaway ay hindi magsabing, “Ako ay nanaig sa aking kalaban”; kung hindi, ang aking mga kaaway ay magdiriwang kapag ako ay bumagsak.