Genesis 1:27
Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling wangis. Ayon sa kanyang wangis nilikha niya siya. Lalaki at babae nilikha niya sila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 2:18Pagkatapos sinabi ni Yahweh na Diyos, “Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa. Gagawa ako ng katuwang na babagay para sa kanya.”
Genesis 5:1Ito ang talaan ng mga kaapu-apuhan ni Adan. Sa araw na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, ginawa niya sila ayon sa kanyang wangis.
Genesis 9:6Sinuman ang magpapadanak ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao dadanak ang dugo niya, sapagkat ayon sa wangis ng Diyos ay nilalang niya ang tao.
Psalms 139:14Magpapasalamat ako sa iyo, dahil ang iyong mga gawa ay kahanga-hanga at kamangha-mangha. Alam na alam mo ang aking buhay.
Jeremiah 29:6kumuha kayo ng mapapangasawang babae at magsilang ng mga anak na lalaki at babae. At kumuha kayo ng mga asawang babae para sa inyong mga anak na lalaki at ibigay ang inyong mga anak na babae sa mga asawang lalaki. Hayaan ninyong magsilang sila ng mga anak na lalaki at babae at magparami kayo roon upang sa gayon, hindi kayo maging napakaunti.
Matthew 19:4Si Jesus ay sumagot at nagsabi, “Hindi ba ninyo nabasa, na ang gumawa sa kanila sa simula pa lamang ay ginawa silang lalaki at babae?