Genesis 9:6
Sinuman ang magpapadanak ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao dadanak ang dugo niya, sapagkat ayon sa wangis ng Diyos ay nilalang niya ang tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Whoso sheddeth man’s blood, by man shall his blood be shed: for in the image of God made he man.
In Context
Cross References
Genesis 1:27Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling wangis. Ayon sa kanyang wangis nilikha niya siya. Lalaki at babae nilikha niya sila.
Genesis 5:1Ito ang talaan ng mga kaapu-apuhan ni Adan. Sa araw na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, ginawa niya sila ayon sa kanyang wangis.
Exodus 21:12Sinumang manakit ng isang tao at ito ay namatay, ang taong iyon ay siguraduhing malalagay sa kamatayan.
Leviticus 17:4kung hindi niya ito dadalhin sa pasukan ng tolda ng pagpupulong upang ihandog bilang isang alay para kay Yahweh sa harap ng kanyang tabernakulo, ang taong iyon ay nagkasala na sa pagdanak ng dugo. Pinadanak niya ang dugo, at dapat ng itiwalag ang taong iyon mula sa kanyang bayan.
Numbers 35:16Subalit kung hinampas ng isang akusadong tao ang kaniyang biktima gamit ang isang kasangkapang bakal, at kung mamamatay ang kaniyang biktima, ang akusado ay tunay ngang isang mamamatay-tao. Dapat tiyakin siyang patayin.
Numbers 35:33Huwag ninyong dumihan sa ganitong pamamaraan ang lupain kung saan kayo namumuhay, dahil ang dugo mula sa pinatay ay dinudumihan ang lupain. Walang pambayad kasalanan ang maaaring gawin sa lupain kapag ang dugo ay dumanak dito, maliban sa pamamagitan ng dugo ng isang dumanak dito.