Genesis 12:10
Nagkaroon ng taggutom sa lupain, kaya bumaba si Abram papunta sa Ehipto para manirahan doon, dahil matindi ang taggutom sa lupain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
9Pagkatapos nagpatuloy si Abram sa paglalakbay patungong Negeb.
Cross References
Genesis 41:56Ang taggutom ay nasa buong lupain. Binuksan ni Jose ang lahat ng mga kamalig at nagbenta sa mga taga-Ehipto. Ang taggutom ay napakatindi sa lupain ng Ehipto.
Genesis 42:5Ang mga lalaking anak ni Israel ay dumating para bumili kasama ng mga dumating, dahil ang taggutom ay nasa lupain ng Canaan.
Genesis 46:3Sinabi niya, “Ako ang Diyos, ang Diyos ng iyong ama. Huwag kang matakot na bumaba patungong Ehipto, dahil doon kita gagawing isang dakilang bansa.
Ruth 1:1Nangyari ito noong mga araw nang ang mga hukom ay namahala na nagkaroon ng taggutom doon, at isang tiyak na lalaki ng Bethlehem ng Juda ang pumunta sa bansa ng Moab kasama ang kaniyang asawa at kaniyang dalawang anak na lalaki.
1 Kings 17:1Sinabihan ni Elias na taga-Tisbe sa Galaad si Ahab, “Habang si Yahweh, na Diyos ng Israel na aking kinakatawan, ay totoong buhay, hindi magkakaroon ng hamog o kaya ulan sa mga susunod na taon hanggang hindi ko sinasabi.”
2 Kings 6:25Kaya't nagkaroon ng matinding taggutom sa Samaria. Binihag nila ito hanggang ang isang asno ay maibenta sa halagang walumpung pirasong pilak, at ikaapat na bahagi ng isang kab ng dumi ng kalapati sa halagang limang pirasong pilak.