Genesis 12:11
Nang siya ay papasok na sa Ehipto, sinabi niya sa kaniyang asawang si Sarai, “Tingnan mo, alam kong ikaw ay isang magandang babae.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 6:2na nakita ng mga anak na lalaki ng Diyos na kaakit-akit ang mga anak na babae ng sangkatauhan. Kumuha sila ng mga asawa para sa kanilang sarili, kahit sino sa kanila na mapili nila.
Genesis 20:13Nang pinaalis ako ng Diyos sa bahay ng aking ama at naglakbay mula sa ibat-ibang lugar, sinabi ko kanya, 'Dapat mong ipakita ang katapatang ito sa akin bilang aking asawa: Sa bawat lugar na pupuntahan natin, sabihin mo na “'Kapatid ko siya.''''
Genesis 26:7Nang tanungin siya ng mga kalalakihan sa lugar tungkol sa kanyang asawa, sinabi nya, “Siya ay aking kapatid na babae.” Natakot siyang sabihin, “Siya ay aking asawa,” dahil naisip niya, “Ang mga lalaki sa lugar na ito ay papatayin ako para makuha si Rebeca dahil napakaganda niya.”
Genesis 39:6Inilagay ni Potipar ang lahat ng nasa kanya sa ilalim ng pangangalaga ni Jose. Hindi na niya kailangan mag-isip tungkol sa anumang bagay maliban sa pagkain na kinakain niya. Ngayon si Jose ay matipuno at kaakit-akit.
2 Samuel 11:2Kaya isang gabi nang bumangon si David mula sa kaniyang higaan at naglakad-lakad sa bubong ng kaniyang palasyo. Mula roon nagkataong nakita niya ang isang babaeng naliligo, at sadyang napakagandang pagmasdan.
Proverbs 21:30Walang karunungan, pag-unawa o payo na kayang makatalo kay Yahweh.