Genesis 19:31
Sinabi ng nakakatanda sa nakababata, “Matanda na ang ating ama at wala ng lalaki sa lugar na ito na sisiping sa atin katulad ng kinagawian ng mga tao sa buong mundo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 6:4Nasa mundo ang mga higante noong mga araw na iyon, at ganun din pagkatapos. Ito ay nangyari nang pinakasalan ng mga anak na lalaki ng Diyos ang mga anak na babae ng tao, at nagkaroon sila ng mga anak sa kanila. Ito ang mga malalakas na tao noong unang panahon, at mga lalaking kilala.
Genesis 16:4Kaya nagkaroon siya ng kaugnayan kay Agar, at nabuntis siya. At nang makita niyang nabuntis siya, tiningnan niya ng may pag-aalipusta ang kaniyang among babae.
Genesis 38:8Sinabi ni Juda kay Onan, “Sumiping ka kasama ng asawa ng iyong kapatid na lalaki. Gawin mo ang tungkulin bilang isang kapatid na lalaki, at palakihin mo ang isang bata para sa iyong kapatid.
Deuteronomy 25:5Kung ang magkapatid na lalaki ay magkasamang namumuhay at namatay ang isa sa kanila, na hindi nagkaroon ng anak, sa gayon ang asawa ng namatay na lalaki ay hindi dapat ipakasal sa ibang tao sa labas ng pamilya. Sa halip, ang kapatid ng kaniyang asawa ay dapat siyang sipingan at kunin siya sa kaniyang sarili bilang kaniyang asawa, at gawin ang tungkulin ng kaniyang kapatid bilang asawa niya.
Mark 9:6(Sapagkat hindi niya alam kung ano ang sasabihin, sapagkat sila ay lubhang natakot.)