Genesis 6:4
Nasa mundo ang mga higante noong mga araw na iyon, at ganun din pagkatapos. Ito ay nangyari nang pinakasalan ng mga anak na lalaki ng Diyos ang mga anak na babae ng tao, at nagkaroon sila ng mga anak sa kanila. Ito ang mga malalakas na tao noong unang panahon, at mga lalaking kilala.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 13:33Nakita namin doon ang mga higante, mga kaapu-apuhan ni Anak, mga taong nagmula sa mga higante. Para kaming mga tipaklong sa aming paningin kung ihambing sa kanila, at maaaring ganoon din kami sa kanilang paningin.”
Deuteronomy 2:11ang mga ito ay itinuring din bilang Refaim, tulad ng Anakim; pero tinawag silang Emim ng mga Moabita.
Deuteronomy 3:11(Para sa mga natira sa Refaim, tanging si Og na hari ng Bashan ang naiwan; tumingin kayo, sa kaniyang higaan ay isang higaang bakal; hindi ba ito sa Rabba, kung saan ang mga kaapu-apuhan ni Ammon naninirahan? Siyam na kubito ang haba nito at apat na kubit ang lawak, sa paraan ng pag-sukat ng mga tao.)
2 Samuel 21:15Pagkatapos pumunta ang mga taga-Filisteo sa digmaan kasama ng Israel. Kaya bumaba si David kasama ng kaniyang hukbo at nakipaglaban sa Filisteo. Napagtagumapayan ni David ang nakakapagod na labanan.