Genesis 22:11
Pero tinawag siya ng anghel ni Yahweh mula sa langit at sinabing, “Abraham, Abraham!” at sinabi niya, “Narito ako.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
10Iniunat ni Abraham ang kanyang kamay na hawak ang kutsilyo para patayin ang kanyang anak.
Cross References
Genesis 16:9Sinabi sa kaniya ng anghel ni Yahweh, “Bumalik ka sa iyong among babae, at sumailalim ka sa kaniyang kapangyarihan”.
Genesis 22:1Nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito na sinubok ng Diyos si Abraham. Sinabi niya sa kanya, “Abraham!” Sumagot si Abraham, “Narito ako.”
Genesis 22:16at sinabing—ito ay isang kapahayagan mula kay Yahweh, “Nangangako ako sa aking sarili na dahil ginawa mo ang bagay na ito, at dahil hindi mo ipinagkait ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak,
Genesis 46:2Nangusap ang Diyos kay Israel sa pamamagitan ng pangitain sa gabi, na sinasabing, “Jacob, Jacob.” Sinabi niya, “Narito ako.”
Judges 2:1Umakyat ang anghel ni Yahweh mula sa Gilgal patungo Bochim at sinabing, “Kinuha ko kayo mula sa Ehipto, at dinala kayo sa lupaing ipinangako kong ibibigay sa inyong mga ama. Sinabi ko na, 'hindi ko kailanman sisirain ang aking tipan sa inyo.
1 Samuel 3:10Dumating si Yahweh at tumayo; tumawag siya tulad ng ibang mga pagkakataon, “Samuel, Samuel.” Pagkatapos sinabi ni Samuel, “Magsalita ka, sapagka't nakikinig ang iyong lingkod.”