Genesis 22:1
Nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito na sinubok ng Diyos si Abraham. Sinabi niya sa kanya, “Abraham!” Sumagot si Abraham, “Narito ako.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 21:11Ang bagay na ito ay labis na nagpalungkot kay Abraham dahil sa kanyang anak.
Genesis 22:11Pero tinawag siya ng anghel ni Yahweh mula sa langit at sinabing, “Abraham, Abraham!” at sinabi niya, “Narito ako.”
Genesis 46:2Nangusap ang Diyos kay Israel sa pamamagitan ng pangitain sa gabi, na sinasabing, “Jacob, Jacob.” Sinabi niya, “Narito ako.”
Exodus 15:25Umiyak si Moises kay Yahweh at may ipinakitang puno si Yahweh sa kaniya. Hinagis ito ni Moises sa tubig at naging matamis na maiinom ang tubig. Sa lugar na iyon nagbigay si Yahweh sa kanila ng mahigpit na kautusan at doon din niya sila sinubukan.
Deuteronomy 8:2Isasa-isip ninyo ang lahat ng mga kaparaanan ni Yahweh na inyong Diyos na nagdala sa inyo ng apatnapung taon sa ilang, para kayo ay ibaba niya, para subukin niya kayo para malaman kung ano ang nasa inyong puso, kung susundin ninyo ang kaniyang mga utos o hindi.
Deuteronomy 13:3huwag makinig sa mga salita ng propetang iyon, o ng mga nagbibigay kahulugan sa mga panaginip; dahil sinusubukan kayo ni Yahweh na inyong Diyos para malaman kung mahal ninyo si Yahweh na inyong Diyos ng inyong buong puso at buong kaluluwa.