Genesis 22:4
Sa ikatlong araw, tumingala si Abraham at natanaw niya ang lugar sa kalayuan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Then on the third day Abraham lifted up his eyes, and saw the place afar off.
In Context
Cross References
Exodus 15:22Pagkatapos pinangunahan ni Moises ang Israel pasulong mula dagat ng mga Tambo. Lumabas sila sa ilang ng Shur. Naglakbay sila ng tatlong araw sa loob ng ilang at walang nahanap na tubig.
Exodus 19:15Sinabi niya sa mga tao, “Maging handa sa ikatlong araw; huwag kayong lalapit sa inyong mga asawa.”
Numbers 10:33Naglakbay sila sa loob ng tatlong araw mula sa bundok ni Yahweh. Nauna sa kanila ang kaban ng tipan ni Yahweh nang tatlong araw upang maghanap ng lugar na maaari nilang mapagpahingahan.
Numbers 19:19Sa ikatlong araw at sa ikapitong araw, dapat wisikan ng taong malinis ang taong marumi. Dapat maglinis ng kaniyang sarili ang taong marumi sa ikapitong araw. Dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at maligo sa tubig. At sa gabi ay magiging malinis siya.
Joshua 1:11“Lumibot kayo sa kampo at utusan ang mga tao, 'Maghanda ng makakain para sa inyong sarili. Sa loob ng tatlong araw tatawirin ninyo ang Jordang ito at papasukin at aangkinin ang lupain na ibinibigay ni Yahweh inyong Diyos sa inyo para angkinin.”'
2 Kings 20:5“Bumalik ka, at sabihin kay Hezekias, ang pinuno ng aking bayan, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ni David na inyong ninuno: “Narinig ko ang iyong panalangin, at nakita ko ang iyong mga luha. Pagagalingin na kita sa ikatlong araw, at aakyat ka sa tahanan ni Yahweh.