Numbers 10:33
Naglakbay sila sa loob ng tatlong araw mula sa bundok ni Yahweh. Nauna sa kanila ang kaban ng tipan ni Yahweh nang tatlong araw upang maghanap ng lugar na maaari nilang mapagpahingahan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
32Kung sasama ka sa amin, gagawin namin sa iyo ang parehong kabutihang ginawa ni Yahweh sa amin.”
34Nasa itaas nila ang ulap ni Yahweh sa araw habang naglalakbay sila.
Cross References
Exodus 3:1Ngayon si Moises ay nagpapastol pa rin ng kawan ng biyenan niyang si Jetro, ang pari ng Midian. Pinangunahan ni Moises ang kawan sa malayong dako ng ilang at dumating sa Horeb, ang bundok ng Diyos.
Exodus 24:17Ang anyo ng kaluwalhatian ni Yahweh ay katulad ng isang apoy na tumutupok sa ibabaw ng bundok sa mga mata ng mga Israelita.
Numbers 10:12Patuloy ang mga tao ng Israel sa kanilang paglalakbay mula sa ilang ng Sinai. Huminto ang ulap sa ilang ng Paran.
Deuteronomy 9:9Nang umakyat ako sa bundok para tanggapin ang mga tipak na bato, ang mga tipak ng tipan na ginawa ni Yahweh kasama ninyo, nanatili ako sa bundok ng apatnapung araw at apatnapung gabi; ni hindi ako kumain ng tinapay o uminom ng tubig.
Joshua 3:2Pagkaraan ng tatlong araw, naglibot ang mga opisyales sa gitna ng kampo;
Joshua 4:7Kaya sasabihin ninyo sa kanila, 'Nahati ang tubig ng Jordan sa harap ng kaban ng tipan ni Yahweh. Nang makatawid ito sa Jordan, nahati ang tubig ng Jordan. Kaya ang mga batong ito ay magiging isang alaala sa bayan ng Israel magpakailanman.”'