Genesis 22:9
Nang dumating sila sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya, gumawa si Abraham ng isang altar at inilatag niya ang kahoy dito. Pagkatapos tinalian ni Abraham si Isaac na kanyang anak, at inilagay niya ito sa altar, sa ibabaw ng kahoy.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
10Iniunat ni Abraham ang kanyang kamay na hawak ang kutsilyo para patayin ang kanyang anak.
Cross References
Genesis 8:20Gumawa ng altar si Noe para kay Yahweh. Kumuha siya ng ilang malinis na hayop at ilang malinis na ibon, at naghandog ng handog na susunugin sa altar.
Genesis 22:2Pagkatapos sinabi ng Diyos, “Kunin mo ang iyong anak, ang kaisa-isa mong anak, na iyong minamahal, si Isaac, at pumunta ka sa lupain ng Moria. Ialay mo siya roon bilang handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na ituturo ko sa iyo.”
Isaiah 53:4Pero tiyak na pinasan niya ang ating mga karamdaman at dinala ang ating mga kalungkutan; gayon man ay inakala natin na pinarusahan siya ng Diyos, pinalo siya ng Diyos, at pinahirapan.
Matthew 26:1At nangyari nang matapos ni Jesus ang lahat ng mga salitang ito, sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
Mark 15:1Maagang-maaga pa nagtipon-tipon na ang mga punong pari kasama ang mga nakatatanda at mga eskriba, at ang buong Konseho ng Sanedrin. Pagkatapos ay iginapos nila si Jesus at inilabas siya. Ipinasa nila siya kay Pilato.
Acts 8:32Ito ang bahagi ng kasulatan na binabasa ng taga Ethopia, “Siya ay tulad ng tupa na dinala sa bahay katayan; at tulad ng isang kordero sa harap ng manggugupit na tahimik, hindi niya binubuksan ang kaniyang bibig: