Genesis 24:15
Nangyari na bago paman siya natapos sa pagsasalita, masdan, lumabas si Rebeca na may dalang pitsel ng tubig sa kanyang balikat. Ipinanganak si Rebeca kay Bethuel na lalaking anak ni Milca, na asawa ni Nahor, na lalaking kapatid ni Abraham.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 11:29Kumuha ng mga asawa sina Abram at Nahor. Ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai at ang pangalan ng asawa ni Nahor ay Milcah, anak na babae ni Haran, na ama ni Milcah at Iscah.
Genesis 22:20Nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito, sinabihan si Abraham, “Nagkaroon din ng mga anak si Milca, sa iyong kapatid na si Nahor.
Genesis 24:24Sinabi niya sa kanya, “Anak ako ni Bethuel na lalaking anak ni Milcah, na ipinanganak niya kay Nahor.”
Genesis 29:5Sinabi niya sa kanila, “Kilala ba ninyo si Laban na anak ni Nahor?” At sinabi nila, “Kilala namin siya”.
Exodus 2:16Ngayon ang pari ng Midian ay mayroong pitong anak na babae. Dumating sila, umigib ng tubig, at pinuno ang mga labangan para painumin ang kawan ng kanilang ama.
Ruth 2:2Sinabi ni Ruth, na Moabita, kay Naomi, “Ngayon hayaan mo akong umalis at mamulot ng mga uhay ng natitirang butil sa mga bukid. Susunod ako sa kahit kaninong mga mata ako makatagpo ng pabor.” Kaya sinabi ni Naomi sa kaniya, “Pumunta ka, aking anak.”