Genesis 24:7
Si Yahweh, ang Diyos ng langit, na kumuha sa akin mula sa tahanan ng aking ama at mula sa lupain ng aking mga kamag-anak, siya na taimtim na nangako sa aking, 'Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong supling,' ipapadala niya ang kanyang anghel para manguna sa iyo, at kukuha ka ng asawa para sa aking anak mula roon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Sinabi ni Abraham sa kanya, “Tiyakin mong hindi mo dadalhin ang aking anak pabalik doon!
Cross References
Genesis 12:1Ngayon sinabi ni Yahweh kay Abram, “Humayo ka mula sa iyong bansa, at mula sa iyong mga kamag-anak, at mula sa sambahayan ng iyong ama, sa lupaing ipakikita ko sa iyo.
Genesis 13:15Lahat ng lupaing ito na nakikita mo, ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan magpakailanman.
Genesis 17:8Ibibigay ko sayo at sa mga susunod mong kaapu-apuhan, ang lupain kung saan ka naninirahan, lahat ng lupain sa Canaan, para sa walang hanggang pag-aari at ako ang magiging Diyos nila.”
Genesis 24:40Ngunit sinabi niya sa akin, 'Si Yahweh, na aking sinusunod, ay magpapadala ng kanyang anghel na makakasama mo at siya ay papatnubayan ang landas mo, upang makakakuha ka ng isang asawa para sa aking anak mula sa aking mga kamag-anak at mula sa linya na pamilya ng aking ama.
Genesis 26:24Nagpakita si Yahweh sa kanya sa gabi ring iyon at sinabing, “Ako ang Diyos ng iyong amang si Abraham. Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo at pagpapalain kita at pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan, alang-alang sa aking lingkod na si Abraham.”
Exodus 23:20Magpapadala ako ng anghel sa unahan mo para bantayan ka sa iyong landas, at para dalhin ka sa lugar na aking inihanda.