Exodo 23:20
Magpapadala ako ng anghel sa unahan mo para bantayan ka sa iyong landas, at para dalhin ka sa lugar na aking inihanda.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 24:7Si Yahweh, ang Diyos ng langit, na kumuha sa akin mula sa tahanan ng aking ama at mula sa lupain ng aking mga kamag-anak, siya na taimtim na nangako sa aking, 'Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong supling,' ipapadala niya ang kanyang anghel para manguna sa iyo, at kukuha ka ng asawa para sa aking anak mula roon.
Exodus 3:2Doon ang anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kaniya sa isang nagliliyab na apoy sa mababang puno. Tumingin si Moises at nakita na nagliliyab ang puno pero ito ay hindi nasusunog.
Exodus 15:17Dadalhin mo sila at itatanim sila sa bundok na iyong pinamana, ang lugar, Yahweh, na iyong ginawa para manirahan, ang santuwaryo, aming Panginoon, na itinayo ng iyong mga kamay.
Exodus 33:2Ipapadala ko ang isang anghel sa inyo, at itataboy ko palabas ang mga Cananaeo, Amoreo, Heteo, Perezeo, Hivita, at Jebuseo.
Numbers 20:16Nang tumawag kami kay Yahweh, dininig niya ang aming mga tinig at nagpadala siya ng isang anghel at inilabas kami sa Ehipto. Tingnan mo, narito kami sa Kades, isang lungsod sa hangganan ng iyong lupain.
Joshua 5:14Sinabi niya, “Wala sa alinman. Dahil ako ang pinuno ng hukbo ni Yahweh. Ngayon naparito ako.” Pagkatapos nagpatirapa si Josue sa lupa para sumamba at sinabi sa kaniya, “Ano ang sinasabi ng aking panginoon sa kaniyang lingkod?”