Genesis 26:25
Nagtayo si Isaac ng altar doon at tumawag sa pangalan ni Yahweh. Nagtindig siya ng tolda doon, at ang kanyang mga lingkod ay naghukay ng balon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 8:20Gumawa ng altar si Noe para kay Yahweh. Kumuha siya ng ilang malinis na hayop at ilang malinis na ibon, at naghandog ng handog na susunugin sa altar.
Genesis 12:8Mula roon siya ay lumipat sa bulubunduking bayan sa silangan ng Bethel, kung saan niya itinayo ang kaniyang tolda, na ang Bethel ay nasa kanluran at ang Ai ay nasa silangan. Doon nagtayo siya ng altar para kay Yahweh at tumawag sa pangalan ni Yahweh.
Genesis 13:18Kaya binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, pumunta siya at nanirahan sa may mga kakahuyan ng Mamre, na nasa Hebron, at doon nagtayo ng isang altar para kay Yahweh.
Genesis 26:32Nang araw ding iyon dumating ang mga lingkod ni Isaac at sinabi sa kanya tungkol sa balong kanilang hinukay. Sinabi nila, “Nakakita kami ng tubig”,
Genesis 35:1Sinabi ng Diyos kay Jacob, “Humayo ka, pumunta ka sa Betel, at manatili roon. Gumawa ng altar doon sa Diyos, na nagpakita sa iyo nang ikaw ay tumakas mula kay Esau na iyong kapatid.”
Psalms 116:17Aking iaalay sa iyo ang handog na pasasalamat at tatawag sa pangalan ni Yahweh.