Genesis 27:19
Sinabi ni Jacob sa kanyang ama, “Ako si Esau na unang anak mo; nagawa ko na ang sinabi mo sa akin. Umupo ka at kainin ang aking napangaso upang pagpalain mo ako.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
18Pumunta si Jacob sa kanyang ama at nagsabi, “Ama ko.” Sinabi niya, “Narito ako; sino ka, anak ko?”
Cross References
Genesis 27:4Gawan mo ako ng masarap na pagkain na gusto ko at dalhin mo iyon sa akin para makain ko iyon at pagpalain ka bago ako mamatay.”
Genesis 27:24Sinabi niya, “Ikaw ba talaga ang anak kong si Esau?” Sumagot siya, “Ako nga.”
1 Kings 13:18Kaya sinabi ng matandang propeta sa kaniya, “Ako ay isa ring propetang tulad mo, at isang anghel ang nagsalita sa akin sa pamamagitan ng salita ni Yahweh, sinasabing, “Isama mo siya pabalik sa iyong bahay, para maaari siyang kumain at uminom ng tubig.” Pero siya ay nagsisinungaling sa lingkod ng Diyos.
Isaiah 28:15Sinabi ninyo, “Nakipagtipan kami sa kamatayan; nakipagkasundo kami sa Sheol. Kaya kapag dumaan ang umaapaw na paghatol, hindi nito kami aabutan, sapagkat ginawa naming kanlungan ang isang kasinungalingan, at sa kabulaanan kami ay nagtago.”
Matthew 26:70Ngunit ikinaila niya ito sa harap nilang lahat, na sinasabi, “Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo.”