Isaias 28:15
Sinabi ninyo, “Nakipagtipan kami sa kamatayan; nakipagkasundo kami sa Sheol. Kaya kapag dumaan ang umaapaw na paghatol, hindi nito kami aabutan, sapagkat ginawa naming kanlungan ang isang kasinungalingan, at sa kabulaanan kami ay nagtago.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
14Kaya makinig sa salita ni Yahweh, kayo na nangungutya, na namamahala sa bayang ito sa Jerusalem.
Cross References
Job 5:23Sapagkat may kasunduan ka sa mga bato sa iyong taniman; magiging mapayapa ka sa mga mababangis na hayop.
Ecclesiastes 8:8Walang may kapangyarihang pigilan ang paghinga ng hangin ng buhay, at walang may kapangyarihan sa araw ng kaniyang kamatayan. Walang tinitiwalag sa hanay ng hukbo habang nasa isang digmaan, at ang kasamaan ay hindi magliligtas sa mga alipin nito.
Isaiah 8:7kaya ipapadala sa kanila ng Panginoon ang mga tubig ng Ilog, malakas at marami, ang hari ng Asiria at ang lahat ng kaniyang kaluwalhatian. Dadaloy sa lahat ng mga kanal nito at aapaw sa mga pampang,
Isaiah 9:15Ang mga pinuno at ang mga mayayaman ay ang ulo; at ang propetang nagtuturo ng kasinungalingan ay ang buntot.
Isaiah 28:18Mawawalang bisa ang inyong tipan sa kamatayan, at ang kasunduan ninyo sa Sheol ay hindi magkakabisa. Kapag dumaan ang rumaragasang baha, tatabunan kayo nito.
Isaiah 30:10Sinasabi nila sa mga manghuhula, “Huwag kayong manghula”, at sa mga propeta, “Huwag kayong magpahayag sa amin ng tuwirang katotohanan; magsabi kayo sa amin ng mga bagay na magandang pakinggan; magpahayag ng mga panlilinlang;