Genesis 28:21
nang sa gayon matiwasay akong makabalik sa bahay ng aking ama, pagkatapos si Yahweh ay magiging Diyos ko.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
So that I come again to my father’s house in peace; then shall the LORD be my God:
In Context
Cross References
Deuteronomy 26:17Kinilala ninyo ngayon na si Yahweh ay inyong Diyos, at lalakad kayo sa kaniyang mga kaparaanan at susundin ang kaniyang mga batas, kaniyang mga utos, at kaniyang mga panuntunan, at makikinig kayo sa kaniyang boses.
2 Samuel 15:8Dahil gumawa ang iyong lingkod ng isang panata habang naninirahan ako sa Gesur sa Aram, sa pagsasabing; “Kung talagang dadalhin ulit ako ni Yahweh sa Jerusalem, sa gayon sasambahin ko si Yahweh.”'
2 Samuel 19:30Kaya sumagot si Mefiboset sa hari, “Oo, hayaan na makuha niya ang lahat ng ito, yamang dumating ng ligtas ang aking panginoong hari sa kaniyang sariling tahanan.”
1 Chronicles 4:10Nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at nagsabi, “Pagpalain mo nawa ako, at palawakin ang aking nasasakupan. Nawa ang iyong kamay ay suma akin; ilayo mo ako sa kasamaan upang hindi ko na kailangang makaranas ng hirap!” At sinagot ng Diyos ang kaniyang panalangin.